Posts

Showing posts from December, 2024

Ang matandang babae

 Isang araw sa buwan ng desyembre, habang ako ay naglalakad sa tabing dagat, nakakita ako ng isang matandang babae na naka tulala sa mga alun ng dagat. Ang kanyang mga mata ay puno ng kalungkutan habang tinitingnan ang mga alun. Hindi ko alam kung bakit, ngunit napilitan akong lapitan siya. Sinabi niya sa akin na siya ay nag babakasakali na bumalik pa ang kanyang asawa ,kaya sya nag hihintay upang gunitain ang kanyang nabubuhay na asawa na namatay sa dagat ilang taon na ang nakakalipas. Ang kanyang kwento ay nagbigay sa akin ng malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng pag-ibig at pagtitiis. Ang wakas...

Lalaking Manliligaw

magandang araw sa inyung lahat narito ako para e-kwento ang Isang lalaking manliligaw.ang mga tauhan ay Sina yuki at jonkie . ‎ ‎-Si jonkie ay isang lalaking may pusong mabait at mapagmahal. Nakita niya si yuki sa isang discohan  at mula noon ay nagkaroon siya ng pagtingin sa kanya. Nagsimula siyang manligaw kay yuki  sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bulaklak at tsokolate. ‎ ‎Unang-una, nagpadala siya ng mga bulaklak at tsokolate. Pagkatapos ay sinundan ng mga mensahe sa telepono at social media. Si yuki ay nagulat sa mga kilos ni jonkie, ngunit hindi niya inakala na siya ang nagpapadala ng mga regalo. ‎ ‎Isang araw, nagkita sila sa isang barangay court Si Jonkie ay nagpakita ng kanyang tunay na pagmamahal at sinabi kay yuki na mahal na mahal niya siya. Si yuki ay nagulat, ngunit nagpasya siyang tanggapin ang pagmamahal ni jonkie. ‎ ‎ ‎Pagkatapos ng ilang buwan, nagplano si Jonkie ng isang sorpresa para kay yuki sa Araw ng Pag-ibig. Nagdala siya ng isang singsing at nagprop...